Miyerkules, Oktubre 5, 2011

Sampung Taon Mula Ngayon, Heto na Ako!

Ang naging isang simpleng babae at nanggaling sa isang  simpleng pamilya ay mahirap pero masaya. May mga panahong naka-aalwan ngunit mas madalas ang pagdarahop. Minsan di ko mapigilang mangarap kahit pa ang taas ng tirik ng araw.

            Hindi mansion ngunit maganda at maayos na ang bahay namin. Maluwang at naaalagaan ng mabuti ang aming bakuran. Hindi na rin pinapasok ng baha. Napatapos ko ng pag-aaral ang aking mga kapatid. Sagana sa pagkain at hindi na problema ang pambayad sa kuryente. Ako, pagdating ng sampung taon mula ngayon ay isa ng abogado tulad ng pangarap ng mga magulang ko sa akin.

            May sariling opisina upang ayusin ang mga usaping legal. Iginagalang ngunit ni katiting na yabang ay wala. Marahil ay may sarili ng pamilya at malapit ng magkaroon ng panganay sa aking napiling pakasalan. Maliwasay at kuntentong buhay ang tinatamasa. Higit sa lahat, tapat na tumutupad ng mga tungkulin sa Panginoong Diyos sa loob ng Iglesia.

            Masarap mangarap, at sinisigurado kong hindi mananatiling pangarap ang mga iyon. Kaya hintayin mo lang ako, pangarap ko! Andiyan na ako…. Konti na lang.